Sunday, April 29, 2012

Tinig Makabayan


Baler, lugar ng kanyang kapanganakan
Kinilalang Ama ng Wikang Pambansa
Tinaguyod ang bayan sa kasarinlan
Manuel Luis Quezon ang kanyang pangalan.

Filipino, wikang kanyang gamit-gamit
Tatak ng ating lahing lagi n’yang bitbit
Nasa kanya ang tinig na makabayan
Tinig na gumising sa ‘ting sambayanan.

Hindi tayo Hapon o Amerikano,
Kundi’y mga Pilipinong may Filipino.
Wikang yaman natin na tulad ng ginto
Wag balewalain na parang anino.

Pinagtutulay ang buong Pilipinas.
Sari-saring tinig, magkaintindihan.
Simbolo ng pagmamahal sa ‘ting bayan
Mula noon hanggang magpakailanman.

Wag maging tila kabayong tumatahol
Na di ginagamit ang sariling ungol.
Ang tinig makabayan ay iparinig.
Maging PINOY! na Filipino ang gamit.

I Smile Coz I Have My Reasons To (poem)